Sa mga oras na makita ko siyang namimilipit.
Dahil ba sa pinagdaraanan niyang sakit,
O dahil alam kong marumi ang aking budhi.
Hindi man siya ang nagkasala,
Inako niya ang ating pagdurusa.
Sanlibutan ang dapat ay hinampas,
Ngunit hagupit ng latigo'y siya ang nakaranas.
Patulo'y nang humina ang kaniyang katawan,
Duguan mula ulo hanggang talampakan.
Mga tao'y hindi pa nasiyahan,
Pinagbuhat ng krus nang sapilitan.
Matapos hampasi'y siya ay inihiga,
Sa krus na siya rin ang nagdala.
Ipinako ang mga kamay at paa,
Isinuot sa kanya'y tinik na korona.
Hindi ko lubos na maisip,
Tayo'y inihingi ng tawad sa Ama nating nasa langit
Sa kabila ng kirot at hapding sinapit,
Nagawa niyang patawatin mga katulad natin.
Tunay na pagmamahal ay inihandog sa atin,
Sa kabila ng ating lubos na pang-aapi.
Lumalapit po kami sa inyo o Diyos sa langit,
Linisin niyo po ang aming puso't isip.
Handog sa ati'y pagkakataong makapasok sa kaniyang kaharian,
Binigyan tayo ng regalong buhay na walang hanggan.
Taos puso po ako sayo'y nagpapasalamat,
Iniligtas niyo po kami mula sa mga apoy ng luha’t pighati.

*I wrote this poem three years ago (2013). I was inspired writing this after I went to church.
Undeniably, God's love for us is magnificent.
No comments:
Post a Comment