Nag-iisa sa madilim
na sulok,
Luhang
walang tigil sa pag-tulo,
Damdaming
matagal nang kinikimkim,
Himutok ng puso’y
di na kayang damhin.
Nasaan ka
ngayon?
Sa mga
panahong bisig mo’y hanap ko?
Naririnig mo
ba ako?
Dama mo ba
kahit wala ako sa tabi mo?
O kaibigan,
kakampi, kabaro,
Kakampi nga
ba’t karamay?
Nakalimutan
na nga ba ang sumpaang,
‘pramis,
walang iwanan’
Tanungin mo
naman ako,
Magparamdam,
o tapikin man lang,
‘Ano bang
nangyari’t maari ba kitang tulungan?’
Sabihing
‘narito lang ako para sayo, kaibigan.’
*This is a poem I wrote in Filipino. I wrote this out of my emotions, isolating myself from the outside world and stayed in my 4-sided room. (and yes, the drama is so obvious HAHAHA)
I'm dedicating this poem to a "super friend" of mine. Where are you, dear? :'(
No comments:
Post a Comment